Motion for bail ng ex-chief of staff ni Enrile ibinasura
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan ang inihaing petisyon para makapagpiyansa ng dating chief of staff ni dating Senador Juan Ponce Enrile na si Gigi Reyes kaugnay ng pagkakasangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Sa resolution ng 3rd division ng anti-graft court, ibinasura ang motion for bail ni Reyes na inihain ng kanyang abogado dahil sa lack of merit.
Si Reyes ay kapwa akusado ni Enrile sa kasong graft at plunder na nag-ugat sa umano’y nakinabang sila sa P172.8 bilyon mula sa pork barrel ng dating senador mula taong 2004 hanggang 2010 nang isalin nila ito sa bogus foundation ni Janet Lim-Napoles.
Sinasabing si Reyes ang nakinabang ng kickbacks mula kay Napoles sa ngalan ng senador.
Nanindigan naman ang kampo ni Reyes na walang ebidensiya para magdiin sa kanya sa kasong plunder.
Kasalukuyang nakapiit si Reyes sa Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong, Diwa Taguig, City.
- Latest