2M bagong botante inaasahan ng Comelec
MANILA, Philippines — Inaasahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdagsa ng mga magpaparehistrong botante para sa magaganap na may 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, tinatayang 1.5 milyon hanggang 2 milyon ang kanilang inaasahang magpapalista sa halos tatlong buwang registration period mula Hulyo 2 hanggang Setyembre 29.
Kaugnay nito, ipinabatid ng Comelec na maaari na rin magparehistro sa ilang mga barangay, public plaza, eskwelahan at iba pang lugar dahil sa kanilang isasagawang satellite o offsite registration.
Ayon sa Comelec, dapat na samantalahin ng mga bagong botante ang pagpaparehistro dahil pagkakataon nila na mailuklok ang opisyal na alam nilang karapat-dapat.
Mas makabubuti na agahan ng mga ito pagpaparehistro at iwasan ang last minute upang maiwasan ang siksikan at gulo.
- Latest