^

Bansa

4 probe teams binuo sa Samar misencounter

Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 probe teams binuo sa Samar misencounter
“This is a very unfortunate event that nobody wanted to happen. Together with the DND, we will form a board of inquiry to investigate the incident in order to determine the cause of this unfortunate event and draw up measures to prevent the same from happening again,” pahayag ni DILG officer-in-charge Sec. Eduardo Año.
Photo provided by the PNP

MANILA, Philippines — Apat na probe team ang binuo kahapon ng Department of Interior and Local Government, Department of Defense, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines upang im­bestigahan ang misencounter sa pagitan ng tropa ng Philippine Army at ng pulisya na ikinasawi ng anim na pulis habang siyam pa ang nasugatan sa lalawigan ng Samar kamakalawa.?

“This is a very unfortunate event that nobody wanted to happen. Together with the DND, we will form a board of inquiry to investigate the incident in order to determine the cause of this unfortunate event and draw up measures to prevent the same from happening again,” pahayag ni DILG officer-in-charge Sec. Eduardo Año.

Sinabi ni Año, lahat ng ‘concerned officials’ ay kanila ng ipinatawag para magpaliwanag kung bakit naganap ang madugong sagupaan at hindi nagkaroon ng communication at coordination ang magka­bilang panig.

Aniya, mayroong ‘exis­ting protocol’ sa pagitan ng PNP at AFP sa bawat ginagawa nilang ‘field operations’ kaya ikinalulungkot nito ang nangyari na nagbarilan at nagpatayan ang kapwa kawal ng gobyerno.

Nangyari ang misencounter sa pagitan ng tropa ng Army’s 87th Infantry Battalion (IB) at mga miyembro ng 805th Mobile Company na kapwa nagsasagawa ng combat operation sa bayan ng Sta. Rita at Villareal.?

Tiniyak naman ni Año na tatanggap ng karampatang benepisyo ang naulilang mga pamil­ya ng mga pulis at ipina­abot ang pakikiramay sa mga ito.

“I extend the deepest sympathy of the PNP to the families of the six young men who died in that unfortunate incident in Sta. Rita, Samar, even as I assure the surviving kin of all possible assistance of the PNP to ease their grief, including a full dress investigation into the circumstances surrounding the incident,” mensahe naman ni PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde.

Kabilang naman sa matatanggap na pinansyal na tulong ng mga nasa­wing pulis ay P500,000 habang P250,000 sa mga grabeng nasugatan at P100,000 sa mga bahag­ya lamang ang tinamong sugat sa katawan.

Bukod dito, tatanggap din ng karagdagang P450,00 at generous assistance allowance para sa pamilya ng mga nasawi at P2,400 taunang allowance mula sa PhilHealth para sa mga nasugatan.

Ayon naman kay PNP Spokesman Sr. Supt. Benigno Durana Jr., bumuo na rin ng 5 man team Board of Inquiry ang PNP at Special Investigating Task Group (SITG) sa Region 8 alinsunod sa direktiba ni Albayalde upang alamin ang mga posibleng pagkakamali sa insidente.

Samantala sa AFP, sinabi ni Army’s 8th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Raul Farnacio na ipinag-utos na rin ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez ang pagbuo ng Investigating Team.

SAMAR MISENCOUNTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with