^

Bansa

Kulang sa koordinasyon, sanhi ng police-military clash

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kulang sa koordinasyon, sanhi ng police-military clash
Ayon kay Major Raul Farnacio, commander ng Army’s 8th Infantry Division (ID), ICOM radio ang gamit ng mga pulis na narekober sa lugar na hindi match sa kanilang modernong Harris radio na gawa sa Estados Unidos.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Kakulangan ng sapat na koordinasyon at lumang mga radio equipment ng mga elemento ng pulisya ang sanhi ng misencounter sa pagitan ng mga ito at ng tropa ng Philippine Army sa Samar nitong Lunes.

Ayon kay Major Raul Farnacio, commander ng Army’s 8th Infantry Division (ID), ICOM radio ang gamit ng mga pulis na narekober sa lugar na hindi match sa kanilang modernong Harris radio na gawa sa Estados Unidos.

Ang ICOM radio ay mahina at limitado lamang ang signal tulad ng ginagamit ng mga security guard sa malls.

Nagkulang din sa koordinasyon ang PNP dahil nagtanong lamang umano ang commander ng mga ito sa Army detachment kung may nag-ooperate na tropa ng mga sundalo sa lugar at hindi sinabi na papasok sila sa lugar na nagresulta sa misencounter. ?

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na dahilan sa kakulangan ng koordinasyon ay inakala ng AFP troops ng Army’s 87th Infantry Battalion (IB) na pinamumunuan ni 1st Lt. Orlando Casipit Jr. na mga rebelde ang mga ele­mento ng 805th Regional Mobile Force (RMF) sa ilalim ni Chief Insp. Don Archie Suspeñe.

Si Casipit ang namumuno sa operasyon ng tropa nito kasama ang 16 sundalo habang nasa 33 pulis na ang team leader ay si Suspeñe ang nasa lugar kung saan ay nagkaroon ng 20 minutong putukan sa pagitan ng magkabilang panig.

Sinawimpalad na masawi sa insidente sina PO1 Wyndell Noromor, PO1 Edwin Ebrado, PO1 Phil Rey Mendigo, PO1 Julius Sua­rez, PO1 Rowell Reyes at PO1 Julie Escalo habang agad isinugod sa pagamutan ang siyam pang pulis na nasugatan.

Idinepensa naman ng opisyal na mahirap matukoy na mga pulis ang kanilang nakasagupa dahil maputik ang uniporme ng mga ito na nasa distan­syang 75-100 metro.

Kaugnay nito, sinabi ni Farnacio na ipinullout na niya ang tropa ni Casipit sa lugar kaugnay ng isinasagawang masusing imbestigasyon sa kasong ito. Isasalang din sa ballistic examination ang mga baril ng mga sundalo.

Tiniyak naman ni Police Regional Office (PRO) 8 Director P/Chief Supt. Mariel Magaway na hindi maapektuhan ang relasyon o magandang ugnayan sa pagitan ng AFP at PNP bunga ng nangyaring misencounter na malungkot na trahedya na aksidente lamang.

SAMAR MISENCOUNTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with