Duterte at Simbahang Katoliko mag-uusap
MANILA, Philippines — Nagtalaga si Pangulong Duterte ng 3-man committee upang makipag-dayalogo sa Simbahang Katoliko matapos ang kanyang kontrobersyal na ‘Who is this stupid God’.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bukod sa kanya ay itinalaga din ng Pangulo sina EDSA People Power Commissioner Pastor Boy Saycon at DFA Usec. Ernesto Abella bilang miyembro ng 3-man committee na makikipag-usap sa Simbahan.
Sabi ni Roque, sinimulan na ni Saycon ang pakikipag-ugnayan sa liderato ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Magiging sentro ng pag-uusap kung paano mababawasan ang hidwaan sa pagitan ng Simbahan at gobyerno.
Aniya, bibigyang-laya rin ng gobyerno ang Simbahan na maglatag ng mga isyung dapat napag-usapan.
Naniniwala rin si Roque na ito ang magiging magandang behikulo upang masimulan ang ‘harmonious relationship’ ng Simbahan at Duterte government.
Sinabi pa ni Roque, matagal nagtimpi ang Pangulo sa mga batikos ng Simbahan sa gobyerno lalo sa drug war pero ng maglabas ng kanyang sariling pananaw ang Pangulo sa kanyang paniniwala ay kaagad siyang ‘isinumpa’ ng Simbahan at kaparian.
Magugunita na kamakalawa ng gabi ay ipinagtanggol mismo ng Pangulo ang kanyang sarili sa kanyang paglalarawan sa ‘Who is this stupid God’.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag mismo nang humarap ito sa 1,919 bagong nahalal na barangay chairman mula sa Northern Mindanao sa Cagayan de Oro City.
“Your God is not my God because your god is stupid, mine has a lot of common sense,” wika ni Duterte patungkol kay Australian nun Sister Patricia Fox.
- Latest