Dengvaxia parents umatras sa kaso
MANILA, Philippines — Binayaran ng Department of Health (DOH) ang ilan sa magulang ng mga batang namatay matapos turukan ng Dengvaxia.
Ito ang ibinunyag ni Atty. Persida Rueda-Acosta, hepe ng Public Attorneys’ Office (PAO) kasunod ng pag-atras para magreklamo ng ilang magulang ng mga biktima ng anti-dengue vaccine.
Sinabi ni Acosta na aabot sa P50,000 ang ibinayad sa ilang magulang bilang cash assistance kaya’t nagtaka sila dahil umatras na sa pagsasampa ng kaso ang mga ito.
Pinapirma rin aniya ng DOH ang mga magulang na binayaran nito kaya’t duda siyang cash assistance lamang ang nais ibigay ng kagawaran.
Dahil dito, hinimok ni Acosta ang ilang magulang na huwag tanggapin ang alok na pera subalit nais nilang mabigyan ng hustisya ang kanilang mga namatay na anak.
- Latest