^

Bansa

Narco solons sisibakin!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Narco solons sisibakin!
Ito ang babala ni House Committeee on Dangerous Drugs chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa sandaling maberipika na ang mga kongresistang nasa “narco list”.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tatanggalin sa puwesto ng liderato ng Kamara ang mga kongresista na mapapatunayang sangkot sa ipinagbabawal na droga.

Ito ang babala ni House Committeee on Dangerous Drugs chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa sandaling maberipika na ang mga kongresistang nasa “narco list”.

Paliwanag ni Barbers, sa ilalim ng rules ng Kamara, basta mayroong basehan ang ahensiya na nagba-validate ng kanilang involvement sa droga at mayroong mai-file na kaso o criminal case laban sa miyembro ng mababang kapulungan ay maaaring kumilos ang liderato para tanggalin sila.

Iginiit naman ng kongresista, na maa­ring dumaan din sa isang pagdinig sa ethics committee ang reklamo laban sa isang miyembro ng Kamara.

Subalit maaari rin naman umanong walang committee hearing kung ang kinasasangkutang krimen ay capital offense o capital crime.

Sa mga ganitong usa­pin umano ay magdedesis­yon agad ang kongreso para tanggalin ang isang kongresista na may ganitong klaseng involvement na kinasasangkutan.

Nilinaw naman ni Barbers na ang listahan ng narco politicians ay nasa kamay ni Pangulong Duterte at intelligence community at may kautusan ang Pangulo na i-validate itong mabuti at hanapan ng matibay na ebidensiya na maaaring ikapanalo sa korte.

SURIGAO DEL NORTE REP. ROBERT ACE BARBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with