^

Bansa

Aquino, Abad puwedeng kasuhan uli sa DAP ng bagong Ombudsman

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Aquino, Abad puwedeng kasuhan uli sa DAP ng bagong Ombudsman
Imbes na graft o malversation, tanging usurpation of legislative power lamang ang inirekomendang kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan laban kina Aquino at Abad.

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Ma­lacañang na maaari pang muling kasuhan ng malversation ng Ombudsman sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Sec. Butch Abad kaugnay ng Disbursement Acceleration Prog­ram (DAP).

Imbes na graft o malversation, tanging usurpation of legislative power lamang ang inirekomendang kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan laban kina Aquino at Abad.

Ang usurpation of le­gislative powers ay may kaparusahan lamang na pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at posibleng ma­bigyan pa ang akusado ng probation at hindi na rin makulong. 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman maitutu­ring na “double jeopardy” sakaling sampahan ito ng isa pang kaso gaya ng malversation na di hamak na mas mabigat ang parusa kaysa usurpation of legislative powers.

Sabi pa ni Roque, hintayin na lamang ang bagong Ombudsman dahil nakatakda na ring mag­retiro si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hulyo 26.

“Kasi pupuwede namang magkaroon ng dalawang kaso - isang usurpation, isang malversation. Wala pong inconsistency ang dalawang iyan. Wala naman pong double jeo­pardy iyon, antayin natin iyong Ombudsman na itatalaga ni Presidente Rodrigo Roa-Duterte,” dagdag pa ni Roque.  

BUTCH ABAD

DISBURSEMENT ACCELERATION PROG­RAM

NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with