DOJ handang pakinggan si Napoles sa DAP, PDAF
MANILA, Philippines – Handang pakinggan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga sasabihin ng tinaguriang pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles, ngunit hindi niya ito bibisitahin.
Sinabi ni Guevarra sa programang “The Source” ng CNN Philippines na bukas siya sa pagdinig ng bagong testimonya ni Napoles kung saan sinabi ng kanyang abogado na maraming madadamay na mambabatas.
“This investigation is actually ongoing,” ani ng justice chief. Sinisilip na ng National Bureau of Investigation ang Disbursement Acceleration Program at Priority Development Assistance Fund para sa pagbubuo ng kaso.
“In part of DAP evidence gathering, it would involve getting information voluntarily from Napoles, then so be it,” ani ng kalihim.
Sinabi ni Guevarra na hindi niya gagayahin ang ginawa ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na binisita si Napoles sa piitan.
Sa kabila ng mga ito, aniya, hindi pa muling nakikipagusap ang kampo ni Napoles sa DOJ.
Samantala, pinaboran ni Guevarra ang argumento ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na walang kapangyarihan ang DOJ sa pagpasok ni Napoles sa Witness Protection Program.
“Considering her as a state witness belongs to the jurisdiction of the ombudsman. Cases will be filed before the Sandiganbayan. The prosecutor will not be the DOJ, but the ombudsman’s special prosecutor,” ani justice secretary.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinailalim si Napoles sa provisional WPP sa loob ng tatlong buwan ngunit tinanggal ito ni Guevarra noong Mayo 25.
- Latest