Comelec may bagong comm.
MANILA, Philippines — Nagtalaga ng bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec) si Pangulong Duterte kapalit ng nagretirong si Comm. Christian Robert Lim.
Si Marlon Casquejo na kapalit ni Lim ay dating assistant regional director ng Comelec-Davao bago ito itinalaga bilang Comelec commissioner na may termino hanggang Feb. 2, 2025.
Si Casquejo ay ikatlong appointee ni Pangulong Duterte sa Comelec.
Naitalaga noong Abril ni Duterte si dating Court of Appeals Associate Justice Socorro Inting habang itinalaga namang chairman ng Comelec si Comm. Sheriff Abas ng magbitiw sa poll body si Andres Bautista.
- Latest