Unconditional cash ibibigay na sa Hulyo
MANILA, Philippines — Simula sa Hulyo ay matatanggap na ng 10 milyong pamilyang Filipino na kabilang sa pinaka-mahirap na pamilya sa bansa ang kanilang unconditional cash transfer.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, iniulat na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ginanap na Cabinet meeting kamakalawa na nakahanda na nilang ibigay ng buo ang P10 bilyong unconditional cash transfer sa 10 milyong beneficiaries nito sa Hulyo.
Aniya, sa ilalim ng TRAIN Law ay tatanggap ng tig-P200 na ayuda kada buwan ang mga benificiaries ng unconditional cash transfer.
Handa na rin ang budget para sa Pantawid Pasada Program ng Department of Transportation (DOTr) para sa mga driver ng pampasaherong jeep na ipamimigay din sa Hulyo.
Sa initial na pagtataya ay tatanggap ng tig-P5,000 na ayuda ang mga driver ng pampasaherong jeep na matatanggap din nila sa Hulyo.
- Latest