Probe sa pagpapatigil sa patrulya sa WPS inaasahan ng kongresista
MANILA, Philippines — Umaasa si Magdalo Rep. Gary Alejano na diretsong iimbestigahan ng administrasyon ang kanyang alegasyon na pinatitigil ng Malakanyang ang pagpapatrulya ng militar sa West Philppine Sea at Scarborough shoal.
Sinabi ni Alejano, na gusto lamang niyang mangyari ay kaagad na tugunan ng administrasyon ang nasabing isyu kaagad at hindi maging defensive at umaabot sa punto na pinagpapaliwanag pa ang panig ng China.
Iginiit pa ng kongresista na sa halip na bansangan na fake news, dapat na solusyun agad ng gobyerno ang isyu sa West Philippine Sea.
Naniniwala rin siya na hindi giyera o pagsuko sa China ang sagot sa naturang isyu dahil mayroon pang ibang paraan para maisulong pa rin ang karapatan ng Pilipinas.
Ang higit umanong kailangan ngayon ng pamahalaan ay ang pagkakaroon ng isang malinaw na estratehiyo tungkol sa nasabing usapin. (Joy Cantos)
- Latest