Morales itinangging mahina ang kaso vs Noy sa Mamasapano
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ngayong Lunes na mahina ang isinampa nilang kaso laban kay dating Pangulo Benigno Aquino III kaugnay ng madugong Mamasapano clash noong 2015.
Sa kaniyang eksklusibong panayam sa CNN Philippines, sinabi ni Morales na hindi naman sila maaaring mag-imbento ng kaso lalo na kung walang matibay na ebidensya.
Nakabinbin sa Sandiganbayan ang kaso laban kina Aquino at dating police chief Alan Purisima at dating PNP-Special Action Forces (SAF) director Getulio Napeñas Jr. dahil sa pagkasawi ng 44 miyembro ng PNP-SAF.
Kinasuhan ng graft at usurpation of authority ng Ombudsman si Aquino, ngunit nais ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na gawin itong reckless imprudence resulting in multiple homicides.
Dahil dito ay binatikos ng VACC ang ombudsman.
Si Aquino ang nagtalaga kay Morales sa opisina matapos magbitiw sa pwesto ang noo’y Ombudsman Merceditas Gutierrez noong 2011.
Nakatakdang bumaba sa pwesto si Morales sa Hulyo.
- Latest