'Domeng' lumakas pa habang palabas ng PAR
MANILA, Philippines — Lumakas pa ang ngayo’y tropical storm “Domeng,” ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes ng umaga.
Huling namataan ng PAGASA si Domeng sa 655 kilometro silangan ng Tuguegarao, Cagayan kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ng pang-apat na bagyo ngayong taaon ang lakas na 65 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 80 kph.
Gumagalaw pa hilaga hilaga-silangan si Domeng sa bilis na 17 kph.
Dahil malayo ito sa kalupaan ng bansa, walang nakataas na tropical storm warning signal.
Wala man itong direktang epekto sa bansa, paiigtingin naman ng bago ang habagat na magpapaulan ngayong weekend sa Metro Manila, kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Sa Linggo pa inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo.
- Latest