Hunyo 15 regular holiday
MANILA, Philippines — Pormal ng idineklara ng Malacañang na regular holiday ang darating na Hunyo 15 sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan sa buong bansa.
Sa ilalim ng Proclamation 514 na nilagdaan ni Pangulong Duterte nitong Hunyo 6 ay idineklara nitong regular holiday ang darating na Hunyo 15 sa buong bansa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ng mga kapatid na Muslim.
Magugunita na nakapaloob sa Republic Act 9177 na dapat ideklarang regular holiday ang pagdiriwang ng mga Muslim Filipinos sa buong bansa sa pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr.
Nakapaloob pa sa kautusan ng Pangulo, nais nitong bigyan ng pagkakataon ang mga Muslim Filipino na ipagdiwang ang pagtatapos ng kanilang Ramadan at upang makiisa ang sambayanan.
- Latest