Sister Fox ‘di na mapapatalsik sa Pinas
Kung makakakuha ng citizenship
MANILA, Philippines — Posibleng hindi na patalsikin pa ng Pilipinas si Sister Patricia Fox kung tuluyan na itong makakukuha ng kanyang Filipino citizenship.
Iyan ang inihayag ni Bureau of Immigration spokesman Dana Krizia Sandoval bilang tugon sa pahayag naman ng Makabayan bloc na gawaran ng Filipino citizenship ang Australian missionary.
Magugunitang naghain ng panukalang batas upang gawing Filipino citizen si Sister Fox na nakapag-ambag umano ng malaki sa Pilipinas dahil sa pagtupad nito sa kanyang misyon.
Magugunitang ipinagharap ng deportation proceedings si Sister Fox dahil sa umano’y pakikiisa nito sa iba’t ibang uri ng pagkilos at pagiging bias nito laban sa pamahalaan.
Related video:
- Latest