^

Bansa

Bukod sa multa, suntok ni Erap matitikman ng lalabag sa smoking ban

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bukod sa multa, suntok ni Erap  matitikman ng lalabag sa smoking ban
Sinabi ni Estrada na kailangan na maging mahigpit ang implementasyon ng ordinansa upang makamit ang smoking free city.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Hindi lang mas mataas na multa ang ipapataw sa mga lalabag sa smoking ban ordinance sa Maynila kundi makakatikim pa ng suntok mula kay Mayor Joseph Estrada.

Ito ang babala ni Estrada kasabay ng paggunita sa “World No Tobacco Day” .

Aabot sa P5,000 at hindi na P500 ang multa sa mga mahuhuling naninigarilyo sa mga pampublikong lugar tulad ng government office, paaralan, ospital, shopping mall at iba pa.

Sinabi ni Estrada na kailangan na maging mahigpit ang implementasyon ng ordinansa upang makamit  ang smoking free city.

Aniya, maging siya ay dumanas ng hirap sa pagtigil sa paninigarilyo pero kinaya niya para na rin sa susunod na henerasyon.

Dahil dito, sinabi ni Estrada  na isa na siyang ‘born again’. Matapos ang 60 na taong paninigaril­yo nagbigay naman sa kanya ng mas maayos na pangangatawan.

JOSEPH ESTRADA

WORLD NO TOBACCO DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with