^

Bansa

Buildings na walang parking ‘di na puwede

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Buildings na walang parking ‘di na puwede
Sa Senate Bill 1821 na inihain ni Sen. Koko Pimentel, gusto nitong amyendahan ang Presidential Decree 1096 o ang “National Building Code of the Philippines.”
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Inihain na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pagtatayo ng mga bagong gusali na walang sapat na parking space.

Sa Senate Bill 1821 na inihain ni Sen. Koko Pimentel, gusto nitong amyendahan ang Presidential Decree 1096 o ang “National Building Code of the Philippines.”

Nais ni Pimentel na ilagay sa nasabing batas ang pagkakaroon ng sapat na parking space o “parking arrangements” para sa occupants ng isang itatayong gusali.

“No building shall be constructed unless the building includes adequate parking space or parking arrangements for the occupants thereof, as determined by the secretary,” nakasaad sa panukala.

Sa explanatory note ng panukala, nakasaad na ang kakulangan ng parking space ay maituturing na maliit na problema na nakakaapekto lamang sa mga mayroong sasakyan.

Pero natukoy din uma­no na ang kawalan ng sa­pat na lugar para sa parking ay problemang nakakaapekto sa halos lahat ng Filipino sa Metro Manila, Davao, Baguio City at Cebu dahil nagi­ging dahilan ito ng trapik.

Inaasahan ni Pimentel na agad na maisasabatas ang panukala bilang solusyon sa tumitinding problema sa trapiko.

SEN. KOKO PIMENTEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with