^

Bansa

7K pulis ikakalat sa Balik Eskwela

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
7K pulis ikakalat sa Balik Eskwela
Habang papalapit nang papalapit ang pasukan puspusan naman ang pagtutulungang ginagawa ng mga guro, mga magulang at mga mag-aaral sa paglilinis at pagsasaayos ng upuan sa mga classrooms sa Almario Elementary School sa Tondo sa ilalim ng taunang Brigada Eskwela.
(Kuha ni Miguel De Guzman)

MANILA, Philippines — Nasa 7,000 pulis ang idedeploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante sa Metro Manila kaugnay ng pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo 4.

Sinabi ni NCRPO Director Chief P/Director Camilo Pancratius Cascolan na inalerto na niya ang limang Police Districts sa Metro Manila para ipakalat ang mga tauhan ng mga ito sa mga istratehikong lugar sa bisinidad ng mga paaralan partikular na sa University Belt kung saan magtatayo ng mga Police Assistance Desk (PAD).

 “An estimated 29-million students in different levels are expected to troop to school for the simultaneous opening of classes in both public and private learning institutions”, ayon sa NCRPO.

Sa tala ng PNP, karaniwan ng tumataas ang mga insidente ng street crimes tulad ng robbery/holdup, cellphone snatching, bag slashing, pickpocketing kung saan maraming mga estudyante ang nabibiktima ng mga kriminal.

Alinsunod sa kautusan ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, ‘zero crime’ ang target ng PNP sa mga school at university areas.

“Similar security measures will be implemented in seaports, airports, and land transport terminals in anticipation of the heavy volume of incoming passengers from the provinces, mostly students returning from the summer vacation,” ayon pa sa Chief PNP.

CAMILO PANCRATIUS CASCOLAN

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with