^

Bansa

SRP sa mga produkto pinababantayan ng DTI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
SRP sa mga produkto pinababantayan ng DTI
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na wala pa naman silang namo-monitor na luma­labag sa SRP sa mga pamilihan na kanilang iniinspeksyon. Nasa 400 supermarket umano ang kanilang binibi­sita kada linggo.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinahigpit ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin upang tiyakin na hindi lumalagpas sa SRP (suggested retail price) kaugnay ng takot ng publiko dahil sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at kuryente dulot ng Tax Reform Law.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na wala pa naman silang namo-monitor na luma­labag sa SRP sa mga pamilihan na kanilang iniinspeksyon. Nasa 400 supermarket umano ang kanilang binibi­sita kada linggo.

Sa kabila nito, patuloy pa ring pinapaalalahanan ng DTI ang mga negosyante na huwag lumagpas sa SRP ang mga pangunahing produktong ibi­nibenta upang hindi lalong mahirapan ang mga konsyumer.

Pinayuhan din ni Lopez ang mga mamimili na sa mga supermarket mamili ng kanilang mga pangangailangan dahil bantay nila ang mga ito at takot na lumagpas sa SRP dahil maaaring mapatawan ng parusa ng ahensya.

Ang pangamba sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin ay dulot pa rin ng pagsirit ng ‘inflation’ sa bansa na bahag­yang dulot din ng implementasyon ng TRAIN Law, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 4.5 porsyento ang inflation ngayong Abril. Mas mataas ito sa naitalang 4.3% nitong Marso at 3.2% noong Abril 2017.

Una na rin namang inihayag ng Department of Energy (DOE) ang pagrekomenda nila sa pagsuspinde sa implementasyon ng ‘excise tax’ sa mga produktong petrolyo kapag pumalo na sa US$80 ang kada bariles ng langis sa internasyunal na merkado.

Sinabi ni Energy Undersecretary Donato Marcos na maglalabas din sila ng polisiya para idetalye ng mga kumpanya ng langis ang ginagawa nilang pagbabago sa presyo ng kanilang petrolyo upang malaman ng publiko kung makatarungan ang mga ginagawa nilang pagtataas.

Nagbabala ang opis­yal na ang mga gas stations na mapapatuna­yang iligal na nagtataas ng presyo ng petrolyo ay maaa­ring ipasara ng ahensya.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

SUGGESTED RETAIL PRICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with