^

Bansa

Petition for bail ni Taguba ipinagpaliban

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Petition for bail ni  Taguba ipinagpaliban
Sa pagdinig sa Manila RTC Branch 46, nagpasya ang hukom, alinsunod sa manifestation ng pro­sekusyon at panig ng de­pensa na tapusin muna ang markings of evidence na bahagi ng pre-trial.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court ang pagdinig para sa hiling ng customs fixer na si Mark Taguba na makapagpiyansa sa kasong illegal drugs importation kaugnay ng naipuslit na P6.4-bil­yon na shabu shipment noong nakalipas na taon.

Sa pagdinig sa Manila RTC Branch 46, nagpasya ang hukom, alinsunod sa manifestation ng pro­sekusyon at panig ng de­pensa na tapusin muna ang markings of evidence na bahagi ng pre-trial.

Ayon sa prosekus­yon, ito ay para sa mas maa­yos na presentasyon ng ebidensya.

Nakadepende kasi sa tibay ng ebidensya ng prosekusyon kung papayagan ang hirit ni Taguba na pansamantalang makalaya.

Samantala, inata­san din ng hukom ang pro­sekusyon na magsumite ng komento sa hiling ng isa pang akusado na si Eirene Mae Tatad, consignee ng shabu shipment, na itakda na ng korte ang ha­laga ng piyansa bagamat wala pang desisyon sa kanyang petition for bail.

ILLEGAL DRUGS

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARK TAGUBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with