Pinay student dinukot, pinatay sa Ireland
MANILA, Philippines — Isang 24-anyos na estudyanteng Pinay ang kinidnap at natagpuang patay sa Dublin, Ireland.
Kinilala ang biktimang si Jastine Valdez, accountancy student sa South County Dublin.
Agad nagpahatid ng pakikiramay si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano sa pamilya ni Jastine.
“We grieve with the loved ones of Jastine Valdez, someone so young and so full of promise, who was suddenly taken away from them. We join the rest of the Filipino Community in Ireland in offering our prayers for Jastine and her family,” ani Cayetano.
Sabi ni Cayetano, ang Philippine Embassy sa London at ang Honorary Consulate sa Dublin ay masusing minomonitor ang kaso ni Valdez simula nang malaman na nawawala ito nitong nakaraang Sabado (Mayo 19) ng gabi.
Ayon naman kay London Ambassador Antonio Lagdameo, nakikipag-usap na aniya si Honorary Consul Mark Congdon sa pamilya ng biktima sa posibleng maitutulong ng kagawaran dito.
Nabatid, na Mayo 19 y nawawala ang biktimang si Valdez matapos itong umalis sa tinitirhan nito sa Wicklow County at dito nalaman na kinidnap ito ng isang 40-anyos na lalaki.
Hanggang sa na-tracked ng mga awtoridad ang behikulo ng suspek at nabaril ito at natagpuan ang biktima na wala ng buhay.
- Latest