Digong satisfied sa Marawi rehab
MANILA, Philippines — Kuntento ang Malacañang sa isinasagawang rehabilitasyon sa lungsod ng Marawi.
Ito ang inihayag ng Palasyo bago ang unang anibersaryo ng pagsalakay ng grupong Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa Marawi City noong isang taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na buo umano ang tiwala ni Pangulong Duterte sa performance ni Task Force Bangon Marawi chairman Eduardo del Rosario.
Ipinagmalaki rin ng Palasyo ang 70 porsyento ng mga residente ng Marawi City na nakabalik na sa lungsod.
Ang naturang datos umano ayon kay Roque ang patunay lamang na maganda ang development ng rehabilitation efforts sa lugar, na sinira ng limang buwang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Maute group.
Pero ayon sa kalihim, matatagalan pa umano ang pagsasaayos sa “main battle area” na siyang pinakaapektadong bahagi ng siyudad.
- Latest