Sen. Pacquiao ‘di sasali sa pagkuwestyon sa ‘quo warranto’
MANILA, Philippines — Walang balak si Senator Manny Pacquiao na makiisa sa 14 na senador na humihiling sa Supreme Court (SC) na isalalim sa “review” ang pagtanggal sa puwesto kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng “quo warranto”.
Ayon kay Pacquiao, dapat igalang ang desisyon ng SC tungkol sa isyu ng pagtanggal kay Sereno.
“Kasi parang disrescpectful sa batas natin kung ‘di tayo magtitiwala sa desisyong ng mga hurado na ginamit nila ang quo warranto. Ang quo warranto kasi nagagamit ‘yan pag less than one year, pero ang quo warranto magagamit din ‘yan anytime basta government ang gumamit nito,” sabi ni Pacquiao.
Nauna rito, isang resolusyon ang nilagdaan ng 14 na senador kabilang sina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto at maging si Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagsasabing dapat rebyuhin ng SC ang pagpapatalsik kay Sereno.
Nanindigan din ang mga senador na maaari lamang mapatalsik sa puwesto si Sereno at iba pang constitutional officials sa pamamagitan ng impeachment.
Inaasahang pagde-debatihan sa plenaryo sa susunod na linggo ang nasabing resolusyon.
- Latest