Impeachment complaint vs 8 SC justices na pumabor sa quo warranto, iniumang
MANILA, Philippines — Balak ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na maghain ng impeachment laban sa walong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa quo warranto petition na nagpatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ni Villarin na inihahanda na ng Magnificent 7 ng Kamara ang reklamong culpable violation of the constitution laban sa SC justices, na isang ground para sa impeachment.
Kabilang sa sasampahan ng impeachment complaint sina Associate Justices Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Samuel Martires, Noel Tijam, Andres Reyes Jr. at Alexander Gesmundo.
Ang impeachment complaint ay balak umanong ihain ng kongresista bago ang sine die adjournment ?sa Mayo 30.
Paliwanag ni Villarin, sinasagasaan ng SC partikular ng walong mahistrado ang kapangyarihan ng dalawang kapulungan ng kongreso na Senado at Kamara na magpatalsik ng impeachable official sa pamamagitan ng impeachment process.
Magugunita na sa botong 8-6 ay pinatalsik ng SC si Sereno ng katigan ang quo waranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General.
Iginiit pa ng kongresista na kuwestyonable ang nasabing hakbang lalo pa at ang dalawang mahistrado ay miyembo ng Judicial and Bar Council (JBC) na nag-apruba sa nominasyon ni Sereno gayundin ang 5 mahistrado na humarap sa impeachment proceeding sa Kamara subalit hindi naman nag-inhibit sa proseso ng quo warranto petition.
Malaki umano ang problema sa naging desisyon dahil lumabas na ang mga mahistrado ay naging accuser, witness at judges.
- Latest