‘Impeach Sereno’ ipapatigil sa House
MANILA, Philippines — Matapos tanggalin sa puwesto si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, hihilingin naman ni House Committee on Justice chairman Reynaldo Umali na ihinto na ang impeachment proceedings laban sa dating punong Mahistrado.
Sa panayam kay Umali sa Super Radyo dzBB, sinabi niya na pag-uusapan nila bukas ni House committee on rules na pinamumunuan ni Majority leader Rodolfo Fariñas ang kanilang magiging susunod na hakbang.
Ito ay dahil hindi pa napapagbotohan ng panel ang articles of impeachment para maipasa sa Senado na siyang magsisilbing impeachment court.
Nangangamba naman ang Kongresista na kung itutuloy nila ang transmittal ng impeachment complaiint sa Senado ay magdulot lang ito ng constitutional crisis.
Nakahinga naman si Umali matapos na paboran ng Korte Suprema sa botong 8-6 ang quo warranto petition laban kay Sereno na kumukuwestyon sa validity ng appointment sa kanyang posisyon dahil hindi na nila kailangan pang maghanda para sa impeachment trial .
Dahil dito, kaya makakapag-concentrate na umano siya at iba pang mambabatas sa regular legislative work nila sa Kongreso.
Bagamat subject for reconsideration, naniniwala pa rin si Umali na maraming mahistrado pa ang boboto para katigan ang naunang desisyon ng SC en banc.
- Latest