Philippine-Kuwait agreement pinirmahan na
MANILA, Philippines — Pinirmahan na ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksiyon ng mga Pinoy workers sa naturang bansa.
Ito ay matapos na magkasundo ang mga delegado ng Pilipinas sa Interior Ministry ng Kuwait.
Napagkasunduan sa pulong ang paglikha ng isang Special Unit sa loob ng Kuwait Police na maaaring makatuwang 24-oras ng Philippine Embassy hinggil sa mga reklamo ng mga OFW.
Pangalawa, mayroon special na numerong itinalaga na pwedeng tawagan ng mga OFW sakaling maharap sila sa panggigipit.
Hindi rin kukumpiskahin ng employer ang pasaporte ng OFW at idedeposito ito sa Philippine Embassy, isang linggong day-off, ang pagkakaroon ng 7-oras na tulog at ang pagkakaroon ng cell phone para makatawag sa hotline ng embahada sakaling sila ay magkaroon ng problema sa kanilang employer.
- Latest