Mag-resign na kayo! - Digong
Ultimatum sa mga corrupt
MANILA, Philippines — Nagbigay ng ultimatum si Pangulong Duterte sa mga corrupt officials na bilang na ang kanilang oras.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya mangingiming sibakin sa puwesto kahit malapit sa kanya kung corrupt ang mga ito.
Ang pagsugpo sa corruption ang isa sa campaign promises ng Pangulo dahilan para makuha nito ang landslide victory noong 2016 presidential race.
“I was the only one carrying the message that was appropriate at the time - corruption, drugs. I won’t hold back on that My God. If you are into corruption, just leave. I’ll give you time. For those who are into it now, in government, published or otherwise, may you have the sense just to tender the resignation,” pahayag ng Pangulo sa isang pagtitipon ng mga educators sa Davao City.
Noong unang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte ay nagbabala siya sa kanyang mga appointees na kahit ‘a whip of corruption’ ay hindi niya patatawarin ang mga ito.
“I said corruption, drugs they are not allowed. I cannot tolerate that…You leave. You will really die,” babala pa niya.
Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang hiyain ang mga opisyal dahil ilan sa kanila ay professional na ang mga anak.
“I realized that there was this one guy that I fired. When I started to read the report, he has children who are lawyers,” sabi ng Pangulo.
Magugunita na kahit ang kanyang malapit na tauhan na si Peter Lavina na administrator ng National Irrigation Administration ay kanyang sinibak sa puwesto.
Ang pinakahuling sinibak ni Duterte ay si DoLE Usec. Dominador Say.
- Latest