‘Unang araw ng campaign period payapa’ – PNP
MANILA, Philippines — Naging mapayapa ang unang araw ng pangangampanya ng mga kandidato kaugnay ng gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 14 ng taong ito.
“Payapa sa pangkalahatan at walang masasamang insidenteng nangyaring may kaugnayan sa halalan sa unang araw ng kampanya sa Barangay at SK election,” sabi ni Philippine National Police Spokesman Chief Supt. John Bulalacao base sa patuloy na monitoring ng PNP.
Sinabi ni Bulalacao na upang mapanatili ito ay patuloy ang monitoring at mahigpit na pagbabantay ng PNP sa mga naideklarang hotspots o mainit ang labanan ng mga kandidato at may presensya ng mga armadong grupo.
Nasa 5,774 ang naitalang hotspots ng PNP sa pagdaraos ng halalan kabilang ang lalawigan ng Masbate sa Bicol Region, Abra sa Luzon, rehiyon ng Mindanao kabilang ang Maguindanao at iba pang bahagi ng bansa na may dati nang rekord ng mga karahasan tuwing may gaganaping eleksyon.
- Latest