^

Bansa

P12-M tulay sa Zambo iimbestigahan sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iimbestigahan ng Kamara ang P12 milyong ginastos sa pagpapagawa ng tulay sa Zamboanga City kung saan nahulog ang mga kongresista na sina Zamboanga City Rep. Celso Lobregat, Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez at Zamboanga City Mayor Beng Climaco. 

Ayon kay Benitez, ang naturang milyong pisong halaga na tulay na kahoy ang magiging sentro ng im­bestigasyon ng kanyang komite.

Bukod dito, iimbestigahan din ang pabahay doon ng National Housing Authority (NHA) sa Zamboanga City na gawa sa kahoy aabot sa P220,000 na kakaunti lamang ang ibinaba ng presyo sa P240,000 na isang unit na pabahay na gawa sa semento.

Iimbitahan at pagpapaliwanagin ang NHA at DPWH sa Zamboanga City na nakaupo noong nakaraang administrasyon at ang mga kasalukuyang opisyal kung bakit pinayagang magtayo ng tulay at pabahay na gawa sa kahoy na umano’y delikado para sa mga residente.

Sinabi pa ni Benitez na pareho lamang ang kahoy na ginamit sa tulay at sa pinanggawa rin sa mga bahay na maaari ring bumagsak sa katagalan. 

Pagbalik ng sesyon sa Mayo 15 ay agad silang magpapatawag ng pagdinig tungkol sa substandard na pabahay at tulay sa Zamboanga City.  

vuukle comment

ALBEE BENITEZ

BENG CLIMACO

KAMARA

URBAN DEVELOPMENT CHAIRMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with