Bello itinangging nagsigawan sila ni Cayetano
MANILA, Philippines — Itinanggi ni Labor Secretary Silvestre Bello III noong Martes ang mga alegasyon na nagkaroon sila ng sigawan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano tungkol sa diplomatic row sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na namuo dahil sa mga naitalagang pang-aabuso sa mga OFWs doon.
Tinutukoy ang mga hindi kilalang sources, ni-report ng STAR noong Martes na ang dalawang mataas na opisyal ng gobyerno ay may hindi pagkakasundo at nagsigawan sa isa’t-isa at nagtalo kung sino ang dapat sisihin sa nangyayaring kabalastugan sa Kuwait.
Sagot ni Belo, habang nasa isang event sa Cebu, sinusuportahan niya ang mga ginagawang paraan ng DFA sa pagtulong sa mga nagdurusang OFWs sa Kuwait.
“I supported the position of DFA [Secretary] Alan. In fact, my statement was that if I were in the shoes of Secretary Alan, I would have done the same thing,” ani Belo, habang katabi si Cayetano sa event.
“Their decision to rescue abused Filipinos in Kuwait was right. No need to ask for permission,” dagdag pa niya.
Ang report ng STAR ay dumating matapos dineklara ng Kuwait si Philippine Ambassador Renato Villa na persona non-grata at inutusan siyang umalis ng bansa sa loob ng isang linggo matapos tangkain ng embassy staff na tulungan ang mga naabusong manggagawang Pilipino na umalis sa kanilang mga employer sa bansang iyon.
Ang rescue operation ay nakunan ng video na inilabas sa media ng DFA noong Abril 19.
Ang pagpapaalis kay Villa ay ang pinakabagong kabanata sa tatlong buwang alitan na nagpapahinto sa negosasyon para sa isang kasunduan na magbibigay ng mas maayos na proteksyon para sa mga OFWs ng Kuwait.
Ayon sa mga report, sinabi daw ni Villa na nagdesisyon ang embahada na tulungan ang mga minaltratong Pilipino kung mabigo ang mga awtoridad ng Kuwait na tumulong sa loob ng 24 oras. Humingi na siya ng paumanhin sa harap ng publiko noong Martes.
Noong Perbrero, paulit-ulit na tinuligsa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kuwait at pinigilan nang tumungo sa Kuwait ang mga Pilipino para magtrabaho matapos makita ang patay na katawan ng isang babaeng OFW sa loob ng freezer sa isang abandonadong bahay.
Sinabi ng World Bank nitong linggo na ang Pilipinas ay pangatlo sa mga pinakamalaking nakukuhang remittance sa buong mundo noong 2017 na siyang tumutulong na itaas ang lokal na pag gastos at tumutulong sa pagunlad ng ekonomiya sa kabuuan.
- Latest