^

Bansa

Brods nina Digong, Aguirre sa DOJ nagbitiw

Pilipino Star Ngayon
Brods nina Digong, Aguirre sa DOJ nagbitiw

MANILA, Philippines – Sinunod ng mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) ang panawagan ng bagong kalihim Menardo Guevarra na “courtesy resignation” upang maayos ang kontrobersyala na kagawaran.

Sinabi ni Guevarra na kaagad naman tumugon ang matataas na opisyal ng DOJ matapos niyang ilabas ang memorandum nitong Abril 24.

Apat sa limang Justice undersecretaries na naitalaga sa ilalim ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay pawang miyembro ng Lex Talionis Fraternity na kinabibilangan din nina Aguirre at Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sina:

  • Antonio Kho Jr.
  • Erickson Balmes
  • Raymund Mecate
  • Reynante Orceo

Anak naman ng isang Lex Talionis member si Deo Marco.

Hangga’t hindi pa tinatanggap ni Duterte ang kanilang pagbibitiw ay sinabi ni Guevarra na ipagpapatuloy lamang nila ang kanilang mga trabaho.

Hinihintay pa naman ni Guevarra ang pagbibitiw ng mga sumusunod:

  • Adonis Sulit
  • Juvy Manwong
  • George Ortha II
  • Moslemen Macarambon Sr.
  • Cheryl Daytec-Yañgot
  • Sergio Yap II
  • Margaret Padilla

Pinalitan ni Guevarra si Aguirre kasunod ng mga kinasangkutang kontrobersya kabilang ang pagkakabasura ng kaso laban sa mga pinaniniwalaang malalaking drug lord ng bansa.

 

DEPARMENT OF JUSTICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with