Duterte ‘idol’ si Kim Jong-un
MANILA, Philippines — Inamin kahapon ni Pangulong Duterte na “idol” na niya ngayon si North Korean leader Kim Jong-un matapos ang makasaysayang Summit ng dalawang Korea at nagkasundo para sa kapayapaan ng peninsula.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview kahapon sa Davao City matapos dumalo sa ASEAN leaders meeting sa Singapore, sa lahat ng pagkakataon, nailalarawan si Kim Jong-un na masamang tao at kontrabida sa komunidad pero sa isang iglap, bigla siyang naging bayani ng lahat at umaasa siyang manatili siyang ganun.
Ayon kay Pangulong Duterte, nais nga niyang makaharap ng personal ang aniya’y “man of the hour” na si Kim Jong-un para mabati.
Sasabihan daw niya si Kim Jong-un na bilib siya sa galing ng kanyang “timing” at gusto niyang maging magkaibigan sila at magtulungan para sa katatagan ng Korean peninsula.
“Alam mo si — naging idol ko tuloy siya. Kim Jong-un. For all of the time, he was pictured to be the bad boy of the community. But with one master stroke, he is now the hero of everybody. He appear to be amiable, jolly good fellow, and very accommodating. I hope he remains to be that way because nobody is really after him. Just a matter of historical divide which was created there, wala naman kasali ang buong mundo,” paliwanag pa ni Duterte.
“So I think that to me, the man of the hour would be King Jong Un. And someday, if I get to meet him, I’d like to congratulate him. Sabihin ko sa kanya, “bilib ako sa’yo. Marunong ka mag-timing.” Kaya heroism is sometimes left to chance, otherwise it’s purposely timed. Marunong si… Ituring na lang niya akong isang kaibigan because this will promote — the impact is really, there is less stress now in the Korean Peninsula. And maybe, just maybe, we can avoid a war which nobody can win anyway,” sabi pa ng Pangulo.
- Latest