^

Bansa

‘Insurance coverage sa mga pasahero ng PUVs itaas na’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng Lawyers for Commuters Protection and Safety (LCSP) kay Pangulong Duterte ang napapanahong pagpa­pataas sa insurance coverage na naipagkakaloob sa mga nabibiktima ng mga aksidente sa lansangan.

Ito ay ginawa ni Atty. Ariel Inton, founding President ng LCSP, nang isa na namang bus ang naaksidente na ikinamatay ng tatlo kataong pasahero ng Five Star Bus na bumangga sa isang trak at nahulog sa isang creek sa may SCTEX nitong Biyernes.

“Mr. President may isa pong pakiusap ang LCSP na marahil ay napapanahon na. At ito ang increase ng benepisyo sa personal passenger accident insurance ng mga pampublikong sasakyan na last year pa po napagkasunduan at maging ang Insurance Commision na ang lumiham sa LTFRB para mapag-aralan at maipatupad na ito ng ahensya,” pahayag ni Inton.

Matapos na maganap ang pagkamatay ng 19 na pasahero sa  Dimple Star bus tragedy kamakailan ay inanunsyo ng LTFRB na  malapit nang maipatupad ang pagtataas passenger insurance cove­rage pero hanggang ngayon ay wala pa ring aksiyon hinggil dito ang ahensiya.

“Ang makukuha ng pamilya ng mga namatayan sa insurance ay P200,000 pero kung naaprubahan na ang increase ay magiging P400,000 bawat isa. Bagamat wala naman tayo maitatapat na halaga sa buhay ng tao ay mas mainam na mas malaki sana ang nakuhang insurance claims ng mga namatayan. Ang mga nasaktan naman ay  makakakuha ng P20,000 medical assistance imbes na P100,000 at P1,000 daily allowance habang nasa ospital pa ang pasahero kung naaprubahan na sana ang increase,” dagdag ni Inton.

Binigyang diin ni Inton na umaasa ang LCSP na mabibigyang katuparan ni Pangulong Duterte ang bagay na ito upang sa mga susunod na araw ay magkaroon na ng kaganapan ang pangako ng LTFRB na maitaas ang insurance coverage ng mga pasahero ng public utility vehicles.

INSURANCE COVERAGE

LAWYERS FOR COMMUTERS PROTECTION AND SAFETY

PANGULONG DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with