^

Bansa

Pagbebenta ng 3 food products sa social media ipinagbawal ng FDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng advisory ang Food and Drugs Authority (FDA) upang ipagbawal ang pagbebenta ng tatlong food products na patok na ibenta ngayon sa social media dahil sa pangako na malusog na katawan.

Sa FDA Advisory No. 2018-126, tinukoy nito ang mga ipinagbabawal na produkto na Lite 16in1 Premium Green Coffee Mix, Lite 16in1 Premium Health Drink at Lite 16in1 Premium Health Drink, Tropical Fruit Flavor.

“The Food and Drug Administration (FDA) warns the public against unregistered LITE food products with therapeutic claims sold online. The food products being advertised in social media are not registered with the FDA.”

Sinabi ng ahensya na lahat ng pangako ukol sa kalusugan ng naturang mga produkto ay “false, deceptive, and misleading.” Ito ay dahil sa hindi pa umano dumaan sa ebalwasyon at pagsusuri ang naturang mga produkto kaya hindi garantiya ang kalidad at kaligtasan nito.

Base sa mga ads sa iba’t ibang pages at groups sa Facebook, sinasabi na nakakatulong ang naturang produkto sa pagpapababa ng timbang, maayos na presyon ng dugo, blood sugal levels, cholesterol level, mataas na enerhiya, maayos na pagdumi at iba pa.

Maari umanong magdulot ng posibleng problema sa kalusugan ang pagkonsumo ng naturang mga produkto, ayon pa sa FDA. 

FOOD AND DRUGS AUTHORITY

FOOD PRODUCTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with