^

Bansa

Oplan Double Barrel itutuloy ng bagong NCRPO chief

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Oplan Double Barrel itutuloy  ng bagong NCRPO chief
Ito ang binitiwang pa­ngako ni incoming NCRPO Chief, Director Camilo Cascolan na pormal na hahalili kay P/Director General Oscar Albayalde ngayong Lunes.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ng bagong hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga sa pamamagitan ng “Oplan Double Barrel” maging ang mahigpit na pagdidisiplina sa mga hepe at pulis-Metro Manila.

Ito ang binitiwang pa­ngako ni incoming NCRPO Chief, Director Camilo Cascolan na pormal na hahalili kay P/Director General Oscar Albayalde ngayong Lunes.

Ayon kay Cascolan, nais niyang ipakita kay dating PNP Chief, Director General Ronald dela Rosa na hindi niya bibitiwan at paiigtingin pa ang Project Double Barrel.  Nakapaloob sa Oplan Double Barrel ang Oplan Tokhang na pagkatok sa mga pinaghihinalaang drug personality para sumuko kasabay ng mga operasyon sa mga ‘high-value targets’.

Nais din ni Casco­lan na sundan ang ya­pak ni Albayalde sa ‘internal cleansing’ sa NCRPO. Kung hindi umano kusang magbabago ang mga tiwaling pulis na nakaupo sa puwesto, siya na mismo ang magdidisiplina sa mga ito.

Ilan sa mga hakbang ni Albayalde na ginawa sa NCRPO ang pag-iins­peksyon sa mga police stations tuwing gabi, pag-inspeksyon sa mga nagpapatrulya sa kalsada, at pagsibak hindi lang sa maliliit na mga pulis ngunit maging sa hepe ng pulis­ya at sa buong puwersa ng isang istasyon.

Nagbabala si Casco­lan na kung hindi kayang magbago ay marapat lamang na umalis na ng NCRPO ang mga tiwaling mga pulis sa kanyang pag-upo.

Samantala, humingi rin ang opisyal ng ibayong tulong at kooperasyon ng publiko upang masugpo ang mga Chinese drug syndicates na nag-oope­rate ngayon sa bansa.  Sinabi ni Cascolan na napakaimportante ng kahit maliit na impormasyon na ibabahagi ng normal na Pilipino para masugpo ang naturang internasyunal na sindikato.

Si Cascolan ay mahigit sa 25 taon na sa serbisyo at nagsilbing provincial director ng Compostela Valley at hepe ng Taguig City.  

KONTRA ILIGAL NA DROGA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

OPLAN DOUBLE BARREL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with