^

Bansa

400 GSIS scholarship bukas na sa mahihirap, may kapansanan at katutubo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga dependents ng mahihirap nilang miyembro na samantalahin ang nasa 400 scholarship na ibinibigay nila ngayong taon para sa school year 2018-19.

Sinabi ni GSIS President Jesus Clint Aranas na bukod sa mga anak o dependent ng mahihirap na miyembro, nasa 40 slot rin ang inilaan nila para sa estudyanteng anak ng mga pensioner nila na may kapansanan, miyembro ng ‘indigenous people’, at mga ‘solo parent’.

Maaari i-nominate ng mga kuwalipikadong GSIS members ang kanilang mga anak o dependent para sa scholarship kung mga ‘incoming freshmen’ para sa apat o limang taong kurso sa anumang kolehiyo o unibersidad na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa ilalim ng GSP, nasa P40,000 halaga ng tuition fee at miscellaneous fees ang sasagutin ng GSIS kada taon. Makakatanggap rin ang 400 scholars ng P3,000 allowance kada buwan.

Makakatanggap naman ng insentibo mula P20,000, P30,000, at P50,000 ang mga scholar na makaka-graduate na may Latin ho­nors na cum laude, magna cum laude, at summa cum laude, base sa pagkakasunod.

 Nag-umpisa ang pagtanggap ng nominasyon nitong Abril 16 at magtatapos sa Hunyo 15. Maaaring makakakuha ng GSP application forms sa internet sa pag-log sa www.gsis.gov.ph. Maaari ring mag-email sa [email protected] o tumawag sa (02)976-4970.

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

JESUS CLINT ARANAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with