^

Bansa

Seguridad sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections inilatag ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa Barangay at Sangguniang Kabataan  elections inilatag ng PNP
Ayon kay PNP Chief P/Director Oscar Alba­yalde, mahigpit na tututukan ang mga lugar kung saan mainit ang labanan ng mga kandidato upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kasado na ang ipatutupad na seguridad ng Philippine National Police (PNP) upang tiyakin na magiging mapayapa at maayos ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Mayo 14.

Ayon kay PNP Chief P/Director Oscar Alba­yalde, mahigpit na tututukan ang mga lugar kung saan mainit ang labanan ng mga kandidato upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.

Patuloy din ang mahigpit na kampanya laban sa mga loose firearms o mga baril na walang lisensya upang hindi ito magamit sa karahasan partikular na ng kampo ng magkakalabang kandidato.

Una rito, tinukoy ng PNP na nasa 5,477 lugar ang election areas of concern o mga hotspots sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Samantala, humingi naman ng pang-unawa si Albayalde sa mga nagre­reklamong sibilyan dahil sa ipinatutupad na checkpoints sa mga istratehikong lugar sa bansa.  

“Sa mga tao natin, we would like to appeal for their understanding and cooperation. Para po sa atin lahat iyan, remember we have the gun ban now,” anang PNP Chief.

Nagsimula ang election period noong Abril 14 at tatagal hanggang Mayo 21 ng taong ito.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with