Presidential Office on Drugs pinabubuo
MANILA, Philippines — Dahil sa dami ng bilang ng mga nadidismis na drug cases, isinulong ni Sen. Vicente Sotto III ang pagbuo ng Presidential Office on Drugs and Crimes na ilalagay sa ilalim ng Office of the President.
Sa resolusyong inihain ni Sotto, hinikayat nito si Pangulong Duterte na itayo ang nasabing tanggapan na ang tanging trabaho ay tutukan ang mga problema sa prosekusyon ng gobyerno laban sa iligal na droga at iba pang krimen.
Base sa records, mahigit sa 70% ng drug cases sa Pilipinas ang nabasura sa kabila ng mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga.
Sinabi pa ni Sotto na maraming nakahaing kaso ang nadidismis dahil sa kawalan ng koordinasyon sa pagitan ng mga law enforcers at prosecutors lalo na sa pagbuo ng kaso.
Ipinaliwanag ni Sotto na layunin ng kanyang resolusyon na matiyak na epektibong matutugis ang mga sangkot sa iligal na droga.
Layunin din ng pinabubuong Presidential Office on Drugs and Crimes na i-supervise at gawing maging daan para sa koordinasyon ng DILG, PNP, PDEA, NBI at DoJ.
Ang Solicitor General ang itatalagang head ng tanggapan at magkakaroong ng mga Deputy Commanders para sa Luzon, Visayas at Mindanao.
- Latest