^

Bansa

Pinas, isa sa may pinaka­siksikang silid-aralan sa Asya

Gemma Garcia, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Pinas, isa sa may pinaka­siksikang silid-aralan sa Asya

MANILA, Philippines — Ang Pilipinas ang isa sa may pinakasiksikang silid-aralan sa buong Asya.

Ayon kay Act Teachers Rep. Antonio Tinio na base sa datos ng Unesco Institute for Statistics, ang ave­rage class size ng elementary school sa bansa ay 43.9.

Mas siksikan ito kumpara sa 31.7 class size Ele­mentary School sa Malaysia, 23.6 sa Japan,22.9 sa Thailand at 40 sa India.

Mas malala pa umano ang sitwasyon sa Public High School dito sa bansa dahil umaabot ang average class size dito sa 56.1 na estudyante.

Sinabi pa ng kongresista na may mga klase pa na umaabot ng 60 hanggang 80 ang mag-aaral at isa ito sa dahilan ng paghina ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Dahil diyan, minamadali na ng Kamara ang deli­berasyon sa panukala ni Tinio na limitahan sa 35 ang bilang ng mag-aaral sa standard class.

Kung hindi maiiwasan, itinatakda ng panukala ni Tinio na puwdeng paabutin sa 50 ang nasa isang klase subalit hindi na puwdeng hihigit pa rito.

Kung ang klase ay lalagpas na ng 35 estudyante, ang guro na nakatalaga rito ay bibigyan na ng honorarium.

Ito ay katumbas ng isang porsiyento ng kanyang daily rate para sa bawat estudyante na sosobra sa standard class size na 35.

ANTONIO TINIO

ELEMENTARY SCHOOL

UNESCO INSTITUTE FOR STATISTICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with