Binata binaril ng parak, kritikal
MANILA, Philippines — Isang binata ang nasa kritikal na kondisyon matapos barilin ng isang pulis kamakalawa ng gabi sa Taguig City.
Sanhi ng tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, inoobserbahan ngayon sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Joven Manalastas, 19, nakatira sa #51 Purok 5, V.P. Cruz St., Brgy. Lower Bicutan ng naturang lungsod.
Samantala, pinaghahanap na sa ngayon ng mga alagad ng batas ang suspect na nakilala sa pangalang PO1 Abraham Ventura, nakatira sa naturang lugar at inaalam na rin kung saan itong headquarters nakatalaga.
- Latest