Pag-‘ban’ kay Filibeck idinepensa ng Palasyo
MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ng Malacañang ang naging desisyon ng Bureau of Immigration na huwag papasukin sa bansa at itaboy pabalik sa kanyang bansa ang European Union Socialist Party official na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Hindi pinayagang makapasok sa bansa si Giacomo Filibeck, leader ng Party of European Socialist (PES), ng dumating ito kamakalawa sa Mactan-Cebu International Airport.
Ipinaliwanag ni Roque na, sa ilalim ng pandaigdigang batas, nasa desisyon ng isang malayang bansa kung sinong dayuhan ang papapasukin o pagbabawalang makatuntong sa teritoryo nito at si Filibeck ay isa sa mga taong hindi gustong tanggapin ng pamahalaan.
- Latest