Singil sa kuryente hindi na dapat tumaas sa susunod na 60 araw
MANILA, Philippines — Hindi na dapat magkaroon ng pagtaas sa singil sa kuryente sa susunod na dalawang buwan o 60 araw.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian chairman ng Senate committee on energy nakita na niya na nag-increase ang Meralco ng 23 centavos per kilowatt hour at epekto ito nang pagtaas ng presyo ng coal at pagbaba ng halaga ng peso.
“April-May, more or less, summer months (nagtaas). Nakita ko nag-increase na ang Meralco ng 23 centavos per kilowatt hour, so ito na ang epekto ng pagtaas ng presyo ng coal, pag-depreciate ng peso,” sabi ni Gatchalian.
Sa tantiya ni Gatchalian, hindi na dapat magkaroon pa ng pagtaas sa singil sa kuryente dahil walang dahilan upang tumaas ang presyo ng coal.
Ang pagtaas umano ng 23 centavos per kilowatt hour na ipinatupad ng Meralco ay inaasahan na.
- Latest