‘Bagman’ ni Jack Lam sumuko
MANILA, Philippines — Sumuko na kahapon ang umano’y bagman at “middleman” ng Macau-based gambling tycoon na si Jack Lam na sinasabing nasa likod ng kontrobersyal na P50 M bribery scandal kapalit ng pagpapalaya sa mahigit isang libong Chinese na nahuling illegal na nagtratrabaho sa isang hotel casino sa Angeles City, Pampanga.
Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta kahapon nina incoming PNP Chief at National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Director Oscar Albayalde at PNP-Criminal and Investigation Group (CIDG) Chief P/Director Roel Obusan ang suspek na si ret. Sr. Supt. Wen-ceslao “Wally” Sombero.
Ayon kay Albayalde, si Sombero ay nagtu-ngo sa Camp Crame at sumuko sa kaniya kahapon ng umaga upang iharap ito sa Sandiganbayan kaugnay ng warrant of arrest sa kasong plunder kasama sina dating Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles.
Tiniyak naman ni Albayalde na walang VIP treatment kay Sombero.
Una rito, nagpadala ng surrender feelers si Sombero nitong Lunes sa pamamagitan ng da-lawang retiradong senior officers ng PNP.
Noong Nobyembre 2016 sina Argosino at Robles ay tumanggap umano ng P50 M mula kay Lam kung saan si Sombero umano ang nagsilbing bagman at middleman kapalit ng pagpapalaya sa 1,300 Chinese na iligal na nagtratrabaho sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Angeles City, Pampanga.
Inamin naman ni Sombero na binawasan niya ng P2 M ang payout na bayad umano sa pagpoproseso ng bayad sa mga papeles sa pagpapalaya sa mga inarestong Chinese nationals.
Sinabi naman ni Sombero na dati siyang opisyal sa PNP-CIDG kaya sumuko siya ng maayos at pakiramdam niya ay mas ligtas siya sa pagsuko kay incoming PNP Chief P/Director Albayalde at sa PNP-CIDG na dati niyang opisinang pinagsilbihan.
Aminado si Sombero na may banta umano sa kaniyang buhay kaya nagdesisyon na siyang sumurender.
Samantala, sa Camp Bagong Diwa sa Taguig muna mananatili si Sombero matapos mabigo na agad kumbinsihin ang Sandiganbayan 6th Division na i-detain sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Hindi agad inaprubahan ng Korte ang mos-yon ni Sombero dahil binigyan pa ng 24 hours ang prosekusyon at PNP Custodial Center na magkomento rito.
Magugunita na nitong Lunes ay nag-isyu ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kina Argosino, Robles at Sombero kung saan naglagak ng piyansa ang dalawang ex-BI commissioner.
- Latest