Suhulan sa pagpapatalsik kay ex-CJ Corona inamin ni Jinggoy
MANILA, Philippines — Inamin ni dating Senador Jinggoy Estrada na nagkaroon ng suhulan upang mapatalsik sa puwesto si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Sa ginanap na forum sa Maynila, sinabi ni Estrada na inalok silang opposition senators na maghanap ng proyekto ni Sen. Franklin Drilon na noo’y chairman ng committee on finance.
Umaabot sa P50 milyon ang pondong ilalaan sa bawat proyekto umano nila nina senador Bong Revilla at Juan Ponce Enrile habang ang mga nasa administration senators ay aabot sa P90 hanggang P100 milyon.
Dahil dito ay nagkaroon umano ng selective justice kung saan sila lamang ni Revilla ang nakulong.
Ayon kay Estrada, hindi naman gagawin ng administrasyon na manuhol upang patalsikin si CJ Justice Ma. Lourdes Sereno.
Laking pasasalamat lamang ni Estrada na napagbigyan ng Sandiganbayan ang kanyang petition na makapagpiyansa.
Samantala, nilinaw din ni Estrada na totoo ang imbitasyon sa kanya ng Fil-Am group sa Michigan subalit hindi lamang niya alam na si Loida Lewis Nicolas ang presidente ng chapter.
“Pero kung dilawan ang magsasalita, magre-react kaya siya?” ani Estrada.
Nagbigay din ng reaksiyon si Estrada sa kung ano ang gagawin nito kay Sen. Antonio Trillanes sakaling pata-yan siya nito ng mikropono tulad ng ginawa nito (Trillanes) kay da-ting senador Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Estrada, sasapakin niya si Trillanes dahil pambabastos na ito sa kanya lalo pa’t pareho lang silang inihalal ng bayan.
- Latest