Lifeguards ihahanda na ng TESDA
MANILA, Philippines — Summer na at panahon na naman ng swimming, kaya kumilos na ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para maging handa at maayos ang mga lifeguards sa ibibigay na serbisyo sa mga swimming areas tulad ng pools at beaches sa buong bansa.
Ito ay matapos ilabas na ng TESDA ang “Implementing Guidelines on the Deployment of Training Regulations (TRs), Competency Assessment Tools (CATs), Assessment Fees for lifeguard Services NC ll at Lifeguard Services NC lll.
Kamakailan, pinagtibay ng TESDA Board ang inaprub na TRs upang maging handa ang mga lifeguards para matiyak ang kaligtasan ng mga swimmers sa pools at beaches.
Ang nabanggit na TRs ay binuo sa pakikipagtulungan sa Philippine Life Saving Society (PLSS).
Ang TRs para sa Lifeguard Services NC ll at NC lll ay bukas na at kasama na sa mga kursong inaalok sa mga technical vocational institutions na accredited ng TESDA.
”It’s time we put in place a lifeguard training course knowing how beaches and pools are very popular in the country,” ani TESDA Director General Mamondiong.
“With a certified lifeguard around, swimmers are not at risk,” dagdag pa ng opisyal.
- Latest