^

Bansa

Duterte, Xi may bilateral meeting

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte, Xi may bilateral meeting
Ayon kay DFA Usec. Manuel Teehankee, tatalakayin ng dalawang lider ang pagpapalakas sa relasyon ng Pilipinas at China partikular ang kooperasyon sa paglaban sa banta ng terorismo at iligal na droga.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping sa gagana­ping Boao business forum sa Abril 9-11 sa Hainan province, China.

Ayon kay DFA Usec. Manuel Teehankee, tatalakayin ng dalawang lider ang pagpapalakas sa relasyon ng Pilipinas at China partikular ang kooperasyon sa paglaban sa banta ng terorismo at iligal na droga.

Malabo naman daw mapag-usapan ng dalawang lider ang isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na bibisita si Pa­ngulong Duterte sa China simula ng maupo sa puwesto noong June 2016.

Matapos nito, tutulak si Pangulong Duterte sa Hong Kong para kumustahin ang mga OFW doon.

Nais daw ng Pangulo na personal na marinig ang concerns at makita ang kalagayan ng mga OFW sa Hong Kong.

Babalik ng bansa si Pangulong Duterte sa Abril 12, araw ng Huwebes.

CHINESE PRESIDENT XI JINPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with