Audit logs na hinahanap ni Bongbong, nasa Comelec – Robredo camp
MANILA, Philippines — Nilinaw ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo ngayong Martes ang mga pahayag ni dating Sen. Bongbong Marcos tungkol sa mga umano’y nawawalang audit logs ng mga vote counting machine.
Sinabi ng abogado ni Robredo na si Romulo Macalintal na nasa Commission on Elections ang mga hinahanap ni Marcos.
Aniya base sa Section 29, F ng Comelec Resolution 10057, kailangang ibigay ng mga Board of Election Inspector ang precinct audit log report at iba pang dokumento sa election officer.
BASAHIN: Bongbong nakitaan agad ng aberya ang recount
Sa unang araw ng recount kahapon, kaagad pinuna ni Marcos ang nawawalang audit logs sa 38 na clustered precincts sa bayan ng Bato, Camarines Sur.
Samantala, inamin naman ng abogado ni Marcos na si Vic Rodriguez na maaari ngang nasa Comelec ang mga audit log.
“It could be possible. Then they should present it (audit logs) before the tribunal!” sabi ni Rodriguez na aniya’y dapat wala na ito sa Comelec.
“It’s for the tribunal if they want to subpoena these docs if and when they are indeed in the possession of Comelec, but for us, those documents are missing,” patuloy niya.
BASAHIN: Wala tayong dapat ikatakot kasi katotohanan ang ating ipinaglalaban – Leni
- Latest