Bongbong nakitaan agad ng aberya ang recount
MANILA, Philippines – Kasisimula pa lamang ng recount ngunit may nakita na agad na aberya ang talunang vice presidential candidate at dating Sen. Bongbong Marcos.
Pinuna ni Marcos ngayong Lunes ang mga basang balota at nawawalang audit logs na aniya’y napakaimportanteng bahagi sa isinagawang 2016 automated polls.
Pawang mga balota mula sa bayan ng Bago sa Camarines Sur ang nasilip ni Marcos.
“Ngayon pa lang meron na kaming nakita, apat na presinto sa bayan ng Bato, lahat ng balota basa. So hindi magamit. Hindi namin maintindihan papano, imposible naman siguro na dalawang taong basa yan,” pahayag ni Marcos na nagtungo sa Korte Suprema kung saan isinasagawa ang recount.
“Ibig sabihin kasi kung may nagbasa, may nagbukas nung ballot box,” dagdag niya.
Sinabi ni Marcos na 38 sa 42 presinto sa Bato ay walang audit log na sa tingin niya ay binuksan ang mga balota at kinuha ang mga ito.
“Bakit importante yun? Dahil ang audit log ang record kung anong oras nagbukas ang presinto, anong oras nagsaksak ng boto, anong oras nagsara yung presinto,” patuloy ni Marcos.
“Kailangan nating makita ang audit log kasi kailangan nating makita kung nag-batch voting. Kung lahat ng boto pumasok. Para makita natin, kung nagreport ang vote counting machine (VCM) na masyadong maaga o nagrepot ang VCM na kahit after ng voting,” paliwanag niya.
Sinimulan ng Presidential Electoral Tribunal ang recount sa pilot provinces kabilang ang Camarines Sur kung saan ito ang pagbabasehan kung dapat bang isagawa ang muling pagbibilang ng boto sa buong bansa.
Related video:
- Latest