^

Bansa

Tagle: Kilalanin ang Diyos ngayong Semana Santa

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Tagle: Kilalanin ang Diyos ngayong Semana Santa
Binasbasan ng isang Catholic minister sa St. Peter Parish Shrine of Leaders sa Commonwealth, Quezon City ang mga palaspas ng mga deboto sa paggunita kahapon ng Palm Sunday. Sinisimbolo nito ang pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem, na hudyat naman ng pagsisimula ng Holy Week.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Katoliko na gamitin ang Semana Santa para kilalanin pa ng mas malalim si Hesus.

Sinabi ni Tagle sa kanyang homily para sa Palm Sunday sa Manila Cathedral na kagaya ni Hesus, na siyang “King” o hari ng mundo, dapat aniyang manalig sa Panginoon at huwag magtiwala sa anumang magdudulot ng karahasan.

Kanya ring hinimok ang mga nananampa­lataya na gayahin ang pagiging mapagkumbaba ni Kristo. Dapat aniyang gayahin ng mga Katoliko ang pagiging simple ni Kristo at pagmakaawain sa mga mahihina at makasalanan.

“The serene dignity and silence of the person who trusts in God and who is full solidarity with sinful humanity, that is true authority. That is our true king. That is the king that will save the world,” ani Tagle.

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with